Ang sarap lang talaga ng feeling na may tinatawag tayong bestfriend. Lalo na kapag hindi ito same gender na’tin. Ako kasi, gustong gusto ko magkaron ng BOY bestfriend. Iba lang talaga kasi kapag hindi ko kaparehas ng gender ang bestfriend ko. Masaya din naman maging bestfriend ang mga babae, pero iba talaga pag lalake ang magiging bestfriend mo. Kakaiba at mas masaya. Bakit nga ba?
- Hindi sila masyadong madaldal at makukuha agad nila tiwala mo.
- Andyan sila palagi sa’yong tabi, malungkot ka man o masaya.
- Hindi sila KJ or corny, at nakikisakay sila sa mga trip trip mo.
- Kaya mong sabihin sakanila ang lahat ng hindi ka nahihiya.
- Hindi ka nila huhusgaan o sasabihing malandi.
- Hindi kayo magkakagusto sa isang tao, wala nang agawan.
- Lahat ginagawa niya para sa’yo.
Ang saya diba? Para mo na din syang boyfriend, ang pinagkaiba nga lang eh di mo siya gusto, at di ka rin nya gusto. Sanay na naman kayo sa isa’t isa na ganyan kayo. Sweet, loving, caring sa isa’t isa, etc. Pero mawawala din yung saya na yun kapag.. nagustuhan mo na siya. Karamihan kasi ng mga babae, naiinlove sa bestfriend nila. Mahirap na yun. Sabihin nga nating oo, lagi mo siyang kasama at alam niya ang lahat sa’yo, pero pano na kapag nagustuhan mo siya? Hindi ko alam pero ba’t ba tayo, madalas mga babae, laging naiinlove sa mga kaclose na’tin. Ang sakit lalo na kapag alam mong may iba syang mahal. Pano nga kung naging kayo? Magbrebreak din naman kayo. Edi wala. Wala na yung friendship nyo. Sayang din.
- 1 week ago
- 71












